jessica amlee hannah simonejames legrossara forestierrosemarie dewitttamara feldmanrooney maraari graynordaniel gilliesmamie gummerbrendan sextoneddie redmaynefrank whaleyhugh bonnevillelee pacechris hemsworthlauren velezmei melanconamanda loncarchase ellisonchuy bravosara simmondsgreg coolidgekari whitmanjay barucheltony dalyrebecca maderluke grimestony currananita briemperrey reeveskathryn hahntiffany hineseric cloutieramnon filippiallie grantmegalynvirginie gervaistequan richmondporcelain towersultan ahmed mosqueshowmyprforexforexforexforexforexborsaborsaborsaborsaborsafinansfinansfinansfinansvobvobvobekonomiekonomiekonomi
Home > Uncategorized > Ala-ala ni KC de Venecia

Ala-ala ni KC de Venecia

November 24th, 2009 admin

Noong Martes, pang-apat na anibersaryo ng pagkamatay KC de Venecia, ang dalagitang anak nina dating House Speaker Jose at Gina de Venecia. Namatay si KC nang masunog ang kanilang bahay sa Dasmari?as Village noong Dec. 16, 2004.

May misa sa Santuario de San Antonio at may almusal sa bagong bahay ng mga De Venecia sa Forbes Park.

Pangalawang taon ito na nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nina JDV sa pagala-ala sa pagkamatay ni KC. Natuwa naman ako makita na naka-recover na ang mag-asawa lalo na si Manay Gina. Nang unang dalawang taon kasi, hirap na hirap si Gina. Siyempre mahirap tanggapin ang ganoong pagkamatay ni KC.

Sabi nga ni Gina, ang pagkamatay ni KC ang pinakamalaking dagok sa kanilang buhay. Naka–recover sila at naging malakas at mas matatag. “Ang mga pagsubok na dinadaanan namin ngayon sa pulitika, ang pagpatalsik kay Joe sa pagka-speaker, wala yun.â€

Maganda ang ganoong pananaw. Ang pagpahirap ang binibigay sa atin ng Panginoon para tayo ay lalong magiging malakas.

Kaya na ni Gina alalahanin ang nangyari ng araw na yun noong Dec. 16, 2004. Nandoon kami ng tanghali noon sa aming taunang pagtitipon na mga kaibigan ni Gina. (Si Gina at ang kanyang kapatid na si Marichu Maceda ay mga mababait na tao. Sa hirap at ginhawa kami magkasama. Hindi namin pinaguusapan ang aming diperensya sa pulitika.)

Naala-ala ko pa na napansin ko ang Christmas tree na pinanggalingan ng sunog Naka-ilaw yun nang tanghali. Na-overheat siguro at lumiyab nang gabi. Nakulong si KC sa loob ng kanyang kuarto na siyang ikinamatay.

Ang maganda kay Gina, ginamit niya ang kanyang pagdurusa para makatulong sa ibang tao. Nagtatag siya ng grupo ng mga nawalan ng anak o miyembro ng pamilya para magtulong sa bawat isa at sa iba pang nagdurusa.Kasama dito si Ali Sotto, nanay ni Miko na nahulog mula sa veranda ng kaniyang condominium.

Sinasabi natin na ang krisis sa buhay ay binibigay ng Panginoon sa atin upang magising tayo at magbago. Noong sinusulong ni JDV and cha-cha at nakipagsabwatan kay Gloria Arroyo sa Northrail at iba pang proyekto, sinasabi namin na bakit parang walang leksyon na nakuha si JDV sa pagkamatay ni KC?

Nang nabulgar ang kurakutan sa NBN/ZTE at si Joey de Venecia, anak ni JDV sa unang asawa ang naka-prente at nagiging hamon kay JDV para manindigan, sabi ni Gina, “siguro tumutulong si KC ituro sa ama niya ang tamang landas.â€

Nanindigan si JDV laban sa kasinungalingan at garapal na pangungurakot nina Arroyo at tinanggal siya bilang House Speaker.

Sa Lunes, ilabas dito sa Pilipinas ang libro ni JDV, “Global Filipino†sa Podium sa Mandaluyong, 3 p.m. Tingnan natin kung ano ang kwento niya.

Other articles:

Categories: Uncategorized Tags:
Comments are closed.